Friday, February 6, 2009

ST 72 Realease

ource: by Alexander Martin Remollino | Bulatlat.com

(February 05, 2009) BREAKING NEWS! Judge Tomas Leynes of the Calapan City Regional Trial Court, Branch 40 issued this afternoon a release order for labor lawyer Remigio Saladero, Jr. and six other activists from Southern Tagalog who have been detained at the Oriental Mindoro Provincial jail for almost three months now while facing criminal charges.

Leynes ordered the release of the seven activists on the ground that citing multiple alleged crimes under a single case is not permissible.


Last October, 72 persons – many of them leaders of cause-oriented groups in Southern Tagalog – were slapped with multiple murder and multiple frustrated murder charges in relation to a March 3, 2006 ambush by the New People’s Army (NPA) against policemen in Calapan City.

Saladero – a lawyer at the Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), a founding member of the National Union of People’s Lawyers (NUPL), the chief legal counsel of the Kilusang Mayo Uno (KMU or May 1st Movement), and a columnist of the alternative newspaper Pinoy Weekly – was among seven persons who were arrested and, subsequently, detained at the Oriental Mindoro Provincial Jail on the basis of these charges. The others are Emmanuel Dionida, executive director of Labor Education Advocacy Development Response Services (LEADERS) and a polio victim who has long been confined to a wheelchair; Rogelio Galit, spokesperson of the Kalipunan ng mga Magsasaka sa Kabite (Kamagsasaka-Ka or Farmers’ Federation in Cavite); Nestor San Jose, leader of the Southern Tagalog Transport Sector Organization (Starter); Crispin Zapanta, member of Bayan Muna (People First); and Arnaldo Seminiano, organizer of the Ilaw at Buklod ng Manggagawa (IBM or Light and Unity of Workers) and Leonardo Arceta, a KMU organizer.

Other respondents include the following:

Armando Albarillo, secretary-general of Bagong Alyansang Makabayan (Bayan or New Patriotic Alliance)-Southern Tagalog and signatory to the 2008 impeachment complaint against President Gloria Macapagal-Arroyo; Bayani Cambronero, eighth nominee and Southern Tagalog regional coordinator of Bayan Muna; Doris Cuario, secretary-general of Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights)-Southern Tagalog; Helen Asdolo, secretary-general of GABRIELA-Southern Tagalog, Luz Baculo, secretary-general of Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog) and member of KMU’s National Council;

Orly Marcellana, secretary general of Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK or Confederation of Peasant Organizations in Southern Tagalog) and chairman of Bayan-Southern Tagalog; Romeo Legaspi, chairman of the Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog); Rolando Mingo, president of Starter and vice president of the Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston); Dina Captillo, spokesperson of Karapatan-Batangas;

Renato Alvarez, Kamagsasaka-Ka chairman; Romeo Aguilar, organizer of the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) in Rizal; and Pedro Santos, Jr., secretary-general of Anakbayan-Southern Tagalog and regional coordinator of Kabataan Party.

Atty Saladero at iba pa laya na!

source: www.pinoyweekly.org

NAKALAYA na kahapon, Pebrero 5, si Atty. Remigio Saladero Jr., chief legal counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kolumnista ng Pinoy Weekly, mula sa Calapan City Provincial Jail matapos ang tatlong buwan na pagkakakulong.

Kasama niyang nakalaya ang lima pang kasama niyang inaresto at ikinulong na sina Nestor San Jose, Crispin Zapanta, Rogelio Galit, Emmanuel Dionida at Arnaldo Seminiano, pawang mga lider ng makabayang mga organisasyon sa Timog Katagalugan.

Naganap ang mga pag-aresto sa pagitan ng Oktubre 23 hanggang Noyembre 6 noong nakaraang taon.

Samantala, nakalaya rin si Leonardo Arceta, lider-manggagawa sa Laguna, na dinakip noong lamang Lunes, Enero 2.


Matatandaang bahagi sina Atty. Saladero ng tinaguriang Southern Tagalog 72 (ST 72), mga lider ng mga organisasyon ng magsasaka at manggagawa sa Timog Katagalugan na simanpahan ng anila’y “gawa-gawang mga kaso” noong Oktubre ng nakaraang taon.

Kabilang sa mga kasong sinampa ang frustrated murder at multiple frustrated murder kaugnay umano ng kanilang pananambang sa kapulisan at pagpapasabog ng mga cell site sa Batangas at Mindoro.

Sa mga naunang pahayag ni Atty. Saladero, ilegal ang pagkaka-aresto sa kanila. Gayundin, depektibo ang mga kaso, maging ang paraan kung paano ito isinampa laban sa kanila.

Inilabas ng Mindoro Oriental Regional Trial Court ang release order ni Atty. Saladero at anim pang aktibista, tanghali ng Pebrero 5.

Sinang-ayunan ng nasabing korte ang pahayag ng abogado na hindi maaaring pasama-samahin ang iba’t iba pagkakasala, halimbawa ang frustrated murder at multiple frustrated murder, sa iisang kaso.

Kayan naman nagbigay-daan din ang korte sa sinampang motion to quash the information ng grupo nina Atty. Saldero.

Ayon sa Executive Vice President ng KMU na si Joselito Ustarez, titiyakin nilang “ganap na ang paglaya nina Atty. Saladero at maibabasura na ang gawa-gawang mga kaso sa kanila.” Bagama’t nakalaya na sina Atty. Saladero ay hindi pa rin binabasura ang mga kasong kriminal laban sa ST 72.

Ayon naman kay Joel Manglunsod ng Anakpawis Party-list, ang paglaya nina Atty. Saladero ay “tanda ng paunang tagumpay ng mga mamamayan laban sa terorismo ng Estado.” Gayundin, ani Maglunsod, “tagumpay ito ng mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao.”

Kaugnay nito, maglulusad ang Anakpawis at iba pang makabayang mga organisasyon ng mas matinding kampanya laban sa Oplan Bantay Laya 2 na target umano ang mga legal na aktibista gaya nila.

Nananawagan din ang grupo sa paglansag sa Inter-agency Legal Action Group na siya umanong nasa likod ng “paggamit ng batas upang supilin ang nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan at lumalaban sa mapanupil na gobyerno.”

Ayon kay Atty. Saladero, masaya siya ngayong nakalaya na sila at mahaharap na muli ang mga usapin ng mga managawa laluna sa kasalukuyang panahon na talamak ang tanggalan sa mga pagawaan.