Saturday, March 21, 2009

Krisis at Panunupil ng Gobyerno

Nangigigill ang gobyerno na mabigyan diumano ng katarungan o hustisya ang pagpatay kina Bobby Daser at ng kanyang driver, habang ang mahigit 900 biktima ng extra judicial killing (EJK) sa pamamagitan kanyang pambansang polisiyang paninikil ay nanatiling istadistika lamang. Ang nais ng Gubyerno ay managot ang diumanoy sangkot na malalaking taong siyang gumawa at utak ng pagpatay kina Daser, ang mga taong karibal nila din sa kapangyarihan na mariin nila rin kritiko, hindi para maparusan sa pagkakasala kundi gantihan ang mga sa ito sa kanilang mga ibinubunyag na katiwalian sa pamahalaan. Ito ang kalakarang ipinatutupad ng gubyerno, paano sila mananawagan ng pagkakaisa para diumano makaahon ang bansa sa kahirapan, laganap ang katiwalian at sa kurapsyon. Habang walang ginagawa ang mga ito lalong lalo na sa mga biktima ng EJK at nagpapatuloy na panunupil sa pamamagitan pagpatay, pananakot at pagkakaso tulad sa mga ginawa sa lider ng iba't ibang progresibong samahan na siyang mariing kumokondina sa kanyang administrasyon sa mga katiwalian at sa kanyang patakarang panunupil. 

Papalapit na naman ang halalalan dumarami na naman ang mga diumano’y nagmamalasakit na mga pinuno ng ating bayan, ito ang mga pinuno hindi para makatulong kundi magbalat-kayo para sila'y makilala at iboto sa darating na halalan. Ang sabi ang eleksyon daw ay isang porma ng demokrasya na ating tinatamasa, kaya naman habang nabubulok ang ganitong sistema dahil sa laganap na dayaan at karahasan nais muli ngayon pabanguhin at maiwasan ang pagtatakwil ng mamamayan sa eleksyon. Gumawa ang gubyerno ng panibagong panlilinlang, para daw maiwasan ang dayaan, nagpanukala na gawing automated ang darating na halalal 2010. 

Hindi ako naniniwalang mawawala ang dayaan walang pinag-iba yan sa mga trapong politiko na laging paulit-ulit na nangangako na di umanoy maglilingkod sa ating interes, ito kalimitang makikita sa panahon o habang nangangampanyan pero pagkatapos na makaupo ay magnanakaw din pala sa taong bayan. Mababawasan lamang pero hindi mawawala ang dayaan at tiyak na sa umpisa ay pag-aaralan palang nila ito bagong proseso habang bago. Hindi lang naman sa porma ng pagboto nakikita ang dayaan. Ano nga ba ang dayaan sa eleksyon? at maiituring nga bang demokrasya ang eleksyon? Marami porma ang dayaan sa eleksyo tulad ng pagboto, sa pagpili ng iboboto at propaganda ng politiko at kung sino mga ba ang botante at iboboto at papel nito sa pagitan ng dalawa, dito umiikot ang dayaan. Sa usapin ng demokrasya, oo nga’t malaya tayo makapili sa iboboto ang tanong nandun po ba sa nakahanay ang ating pipiliin ang ating iboboto at sino lang ba pwedeng tumakbo, kun baga wala kanang choice kundi pumili ng lang sa ano ang nariyan, sa karanasan po natin halos 100% ang politiko ay mayayaman o may kaya ang na siyang nakakatakbo lalo na sa mataas na posisyon kaya masasabi nating walang dito ang demokrasya dahil binibigyan man tayo ng kalayaan na tumakbo ang sinuman, subalit wala sa ating kapasidad at kinasanayan. 

Ang ikinakatwiran ng iba ay kultura na daw natin ito at ito na ang kalakaran, kultura ba natin ang pa-uto o paloko sa kanila, kultura ng pagiging sunod-sunuran kaya naman kapag nikawan tayo wala tayong magawa dahil sa kultura natin, alam nyo, yan ang gustong gusto ng mga mayayaman na may hawak ng kapangyarihan na makapanatili ito, kahit pa nga itong ilan sa mga nasa oposisyon na kunwari panig sa maliliit at bumabanat laban sa nakaupo pero makikita naman natin pag sila na ang nakaupo.

Ang eleksyon ay isang makinarya ng sistema para panatilihin ang sistemang api ang mas malawak na mamamayan at nanagasa ang iilan tulad ng mayayaman at mga dayuhan. Hindi ang eleksyon at ang sa pamamagitan ng papipili sa taong manununo isinusubo sa atin ng kasalukuyang sistema ang makasasagot sa krisis na kinakaharap ng mamamayang Pilipino. Ang tunay na makakasagot sa krisis na ito ay pagkakaroon ng pambansang kasarilan sa pamamagitan ng bansang umiiral ang nagsasrili pagpapatakbo sa pagsusulong ng pambansang idustriyalisasyon at pagpapalit ng maling patakaran, polisya ng pamahalaan at ang pagigit ng mas malawak na mamamayan na maisulong ito para sa tunay na pagbabago.

Arman Albarillo
Marso 22, 2009

Friday, February 6, 2009

ST 72 Realease

ource: by Alexander Martin Remollino | Bulatlat.com

(February 05, 2009) BREAKING NEWS! Judge Tomas Leynes of the Calapan City Regional Trial Court, Branch 40 issued this afternoon a release order for labor lawyer Remigio Saladero, Jr. and six other activists from Southern Tagalog who have been detained at the Oriental Mindoro Provincial jail for almost three months now while facing criminal charges.

Leynes ordered the release of the seven activists on the ground that citing multiple alleged crimes under a single case is not permissible.


Last October, 72 persons – many of them leaders of cause-oriented groups in Southern Tagalog – were slapped with multiple murder and multiple frustrated murder charges in relation to a March 3, 2006 ambush by the New People’s Army (NPA) against policemen in Calapan City.

Saladero – a lawyer at the Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), a founding member of the National Union of People’s Lawyers (NUPL), the chief legal counsel of the Kilusang Mayo Uno (KMU or May 1st Movement), and a columnist of the alternative newspaper Pinoy Weekly – was among seven persons who were arrested and, subsequently, detained at the Oriental Mindoro Provincial Jail on the basis of these charges. The others are Emmanuel Dionida, executive director of Labor Education Advocacy Development Response Services (LEADERS) and a polio victim who has long been confined to a wheelchair; Rogelio Galit, spokesperson of the Kalipunan ng mga Magsasaka sa Kabite (Kamagsasaka-Ka or Farmers’ Federation in Cavite); Nestor San Jose, leader of the Southern Tagalog Transport Sector Organization (Starter); Crispin Zapanta, member of Bayan Muna (People First); and Arnaldo Seminiano, organizer of the Ilaw at Buklod ng Manggagawa (IBM or Light and Unity of Workers) and Leonardo Arceta, a KMU organizer.

Other respondents include the following:

Armando Albarillo, secretary-general of Bagong Alyansang Makabayan (Bayan or New Patriotic Alliance)-Southern Tagalog and signatory to the 2008 impeachment complaint against President Gloria Macapagal-Arroyo; Bayani Cambronero, eighth nominee and Southern Tagalog regional coordinator of Bayan Muna; Doris Cuario, secretary-general of Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights)-Southern Tagalog; Helen Asdolo, secretary-general of GABRIELA-Southern Tagalog, Luz Baculo, secretary-general of Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog) and member of KMU’s National Council;

Orly Marcellana, secretary general of Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK or Confederation of Peasant Organizations in Southern Tagalog) and chairman of Bayan-Southern Tagalog; Romeo Legaspi, chairman of the Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik or Unity of Workers in Southern Tagalog); Rolando Mingo, president of Starter and vice president of the Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston); Dina Captillo, spokesperson of Karapatan-Batangas;

Renato Alvarez, Kamagsasaka-Ka chairman; Romeo Aguilar, organizer of the Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) in Rizal; and Pedro Santos, Jr., secretary-general of Anakbayan-Southern Tagalog and regional coordinator of Kabataan Party.

Atty Saladero at iba pa laya na!

source: www.pinoyweekly.org

NAKALAYA na kahapon, Pebrero 5, si Atty. Remigio Saladero Jr., chief legal counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kolumnista ng Pinoy Weekly, mula sa Calapan City Provincial Jail matapos ang tatlong buwan na pagkakakulong.

Kasama niyang nakalaya ang lima pang kasama niyang inaresto at ikinulong na sina Nestor San Jose, Crispin Zapanta, Rogelio Galit, Emmanuel Dionida at Arnaldo Seminiano, pawang mga lider ng makabayang mga organisasyon sa Timog Katagalugan.

Naganap ang mga pag-aresto sa pagitan ng Oktubre 23 hanggang Noyembre 6 noong nakaraang taon.

Samantala, nakalaya rin si Leonardo Arceta, lider-manggagawa sa Laguna, na dinakip noong lamang Lunes, Enero 2.


Matatandaang bahagi sina Atty. Saladero ng tinaguriang Southern Tagalog 72 (ST 72), mga lider ng mga organisasyon ng magsasaka at manggagawa sa Timog Katagalugan na simanpahan ng anila’y “gawa-gawang mga kaso” noong Oktubre ng nakaraang taon.

Kabilang sa mga kasong sinampa ang frustrated murder at multiple frustrated murder kaugnay umano ng kanilang pananambang sa kapulisan at pagpapasabog ng mga cell site sa Batangas at Mindoro.

Sa mga naunang pahayag ni Atty. Saladero, ilegal ang pagkaka-aresto sa kanila. Gayundin, depektibo ang mga kaso, maging ang paraan kung paano ito isinampa laban sa kanila.

Inilabas ng Mindoro Oriental Regional Trial Court ang release order ni Atty. Saladero at anim pang aktibista, tanghali ng Pebrero 5.

Sinang-ayunan ng nasabing korte ang pahayag ng abogado na hindi maaaring pasama-samahin ang iba’t iba pagkakasala, halimbawa ang frustrated murder at multiple frustrated murder, sa iisang kaso.

Kayan naman nagbigay-daan din ang korte sa sinampang motion to quash the information ng grupo nina Atty. Saldero.

Ayon sa Executive Vice President ng KMU na si Joselito Ustarez, titiyakin nilang “ganap na ang paglaya nina Atty. Saladero at maibabasura na ang gawa-gawang mga kaso sa kanila.” Bagama’t nakalaya na sina Atty. Saladero ay hindi pa rin binabasura ang mga kasong kriminal laban sa ST 72.

Ayon naman kay Joel Manglunsod ng Anakpawis Party-list, ang paglaya nina Atty. Saladero ay “tanda ng paunang tagumpay ng mga mamamayan laban sa terorismo ng Estado.” Gayundin, ani Maglunsod, “tagumpay ito ng mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao.”

Kaugnay nito, maglulusad ang Anakpawis at iba pang makabayang mga organisasyon ng mas matinding kampanya laban sa Oplan Bantay Laya 2 na target umano ang mga legal na aktibista gaya nila.

Nananawagan din ang grupo sa paglansag sa Inter-agency Legal Action Group na siya umanong nasa likod ng “paggamit ng batas upang supilin ang nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan at lumalaban sa mapanupil na gobyerno.”

Ayon kay Atty. Saladero, masaya siya ngayong nakalaya na sila at mahaharap na muli ang mga usapin ng mga managawa laluna sa kasalukuyang panahon na talamak ang tanggalan sa mga pagawaan.